Lunes, Agosto 5, 2013

Kailikasan: Dapat Ingatan at Alagaan

       Karagatan , dagat , ilog ,batis , sapa, talon puno't mga halaman pati ang mga kabukiran , ang mga ito ay likha ng ating Diyos na tinatawag nating kalikasan. Mga isda't lamang tubig sa mga katubigan, mga ibon sa himpapawiran , maaamo't mababangis na hayop sa mga kalupaan at tayong mga tao na nilikha Niya upang ang lahat ng Kanyang biyaya ay ating mapangalagaan at maingatan upang ito ay maaari nating mapakinabangan sa panahon ng kagipitan o sa pang araw-araw nating kabuhayan.Ngunit sa panahon ngayon ,kalikasan pa ba'y ating napapangalagaan at naiingatan?
        Kalikasan nga ang nagsisilbing pundasyon ng buhay sa mundo,pundasyong maaaring mawala kung ang mismong tagapangalaga ang nag-aabuso't sumisira nito.Tayong mga tao ang nilikha ng ating Diyos upang gagamit at magpapayaman ng mga biyayang Kanyang nilikha subalit sa paglipas ng panahon ay unti-unting nauubos ,nasisira't nawawala dahil nagagawa nating gamitin ngunit hindi natin nagagawang ingatan at alagaan.At sa panahon ngayon,masisilayan natin ang kalbong kabundukan , maduming katubigan, at malalanghap mo ang masamang amoy ng hangin na dulot ng mga usok galing sa mga pabrika't sasakyan at maaaring epekto ng mga ito ay iba't -ibang kalamidad na sinasabing ganti ng kalikasan.Hindi natin matatakasan ang hagupit ng inang kalikasan dahil tayo'y tao lamang at walang kakayahang pigilan ang mga kalamidad na kayang kumitil ng daan-daang  buhay ng tao.
         Kaya ang maaari lamang nating gawin bilang tao para sa ating inang kalikasan ay ang respeto para sa kanya sa pamamagitan ng mga paraan na kayang gawin natin tulad ng simpleng pagbabawal ng pagpuputol ng kahoy o "illegal logging" at pagmimina sa mga kabukiran , at pagkakaron ng maayos na pagtatapon ng mga basura.Kung ang mga paraang ito ay ating susundin o ating gagawin , walang matinding pagguho't pagbabaha at ang ibang mga matitinding kalamidad na ating mararanasan sa kasalukuyang panahon at walang buhay ang mawawala.At sa mga paraang ito ay maaalagan ,maiingatan at maiiwasan pa natin ang hagupit ng inang kalikasan.


3 komento: